Thursday, October 4, 2007

malas

i have to let this out before i squeeze my brain cells for the quarterly progress reports of my kids..

"when it rains, it pours"

eto ung araw na pinangarap kong hindi na lang sana ako pinanganak.
dahil puyat ako kagabi gawa ng nagkaroon ng anniversary celebration ang Intervention Partners Lagro Branch, nagpumilit lang akong bumangon kaninang umaga dahil mahal ko yung kid na hahawakan ko ngayong araw. maayos pa yung mga nangyari kaninang umaga, nasira lang nung pinigilan kong maglaro sa playground yung kid ko. aun, sinuntok-suntok ako.. sinipa-sipa.. hinatak-hatak ang damit. ngayon ko lang siya nakitang ganun, nagalit. binalewala ko yun. yung susunod ko namang kid, ayun.. sinabayan yung sakit ng katawan ko, nagpaka-hyper din. sige lang, mahal ko naman yung trabaho ko. yung huli kong kid, matanda na. nagrereview kami para sa quiz niya kung anu anong sinasabi. nakakabwisit.

e di ito na, pauwi n ako. hindi ako sasabay kay yen sa mrt kasi gusto ko na diretso na yung sasakyan ko papuntang coastal. medyo umaambon na. 6:30 nag-aabang na ako ng bus sa may shaw. air-con yung hinihintay ko kasi mas safe ang feeling. 6:45 na wala pa. puro ordinary. tapos nung nag-decide ako na ordinary na yung sasakyan, walang dumadaan na pa-baclaran. o db? masyadong love ako ni Lord. nung sa wakas nakasakay na ako (ordinary na lang yung sinakyan ko kc past 7 na), nahuli naman yung sinasakyan kong bus! o db?

pinilit kong hindi matulog sa bus dahil takot akong madukutan. sobrang trapik. pagdating sa ayala hindi ko napigilan ang mga talukap ng mata ko. sige na, natulog na ako. pero mababaw lang. pamulat-mulat din. nung nasa macapagal na ako, pucha trapik ulit! as in yung hindi na gumagalaw. ayun, bumaba ako at nilakad ko hanggang coastal mall. at kung hindi ba naman tatanga tanga yung utak ko, pwedeng hindi na ako tumawid at dumiretso sa abangan ng bus, tumawid pa ako dahil nagbabakasakali akong may jeep pa -alabang, ayun. wala. ang lagay nun, aakyat pa ako ng overpass para makasakay ng bus. o db? sangkaterbang kamalasan at kapaguran.

when it rains, it pours.

pagkatapos kong mag-hiking, nakasakay ako sa bus na standing ovation. sa bungad lang ako ng las piƱas umuuwi kaya gusto ko sana sa may bungad lang din ako ng bus. tska gusto ko yung may masasandalan ako. ayun, pinapaurong ako ng mahaderong kundoktor. eh hindi ko pinapansin kasi sabi ko wala ng maurungan, aba sabihan ba naman akong parang bingi! bingi naman talaga ako. pero pinahiya niya ako sa harap ng mga taong hindi ko kilala. (ayos lng, sanay nman ako sa maraming tao) ang sa akin lang, wag silang gahaman sa mga pasahero. yung tipong gusto nila halos patong-patong na yung mga tao sa loob ng bus.

sa wakas nakarating din ako sa may RFC. nag-withdraw muna ako kasi naubos pera ko sa pagbili ng cellphone case na hello kitty sa pambubuyo ni yen. pagdating ko dito sa internet shop, ang bagal nung computer. tapos nakita nung may-ari na may virus yung usb kaya nadismaya siya. sabayan mo pa ng baklang hapon na katabi ko. o db?

ang iginigiit lang ng damdamin ko e masyado akong ginabi. gusto ko kasing gumawa na ng qpr na hindi ko rin magawa kasi ginagawa ko to. bongga. reklamo ako ng reklamo kasalanan ko naman.

At kung susuriin mo ang mga sinulat ko sa taas, mapagtatanto mong ako rin ang gumagawa ng sarili kong kaiinisan.

-kung pinayagan kong maglaro yung unang alaga ko, hindi ako masasaktan.
-kung minasahe ko ng mabuti yung pangalawa, hindi siya hyper.
-kung pina-cancel ko na lng yung session nung pangatlo, hindi siya makakapambwisit.
-kung sumakay na ako dun sa unang bus na dumaan na pa-baclaran (sigur0 mga 20 na bus n yung dumaan nung sumakay ako), e di sana hindi ako aabutan ng trapik sa kung saan-saang lugar.
-kung hindi ako tumawid pa, hindi ako pagod.
-kung umurong na lang ako pagkasabi nung kundoktor, hindi sana ako nasabihan ng parang bingi.
-kung bumili na lang ako ng bagong usb, e di walang virus na makikita yung may-ari ng shop.
-kung nag-headset ako, hindi ko maririnig yung baklang bading.

we shouldn't blame the things happening to us on fate. we always have a choice.

No comments: